Nangako ngayon ang French industrial Naval Group na magsu-supply ang mga ito ng dalawang Philippine Navy frigates na mayroong anti-torpedo defense system.
Sa isang statement, sinabi ng Naval Group na ang defense system na ilagagay sa BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna ay base sa Canto at Contralto countermeasures solution.
Na-notify daw ang Naval Group noong December 2021 ng kanilang unang kontrata sa Pilipinas sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND) para sa Philippine Navy.
Noong October 17, nagsagawa naman ang DND officials at Naval Group ng pre-delivery inspection ng Contralto sa France.
Ayon sa Naval Group ang Canto at Contralto ay ginagamit ng French Navy at iba pang foreign navies.
Una nang nag-offer ang French government na magbebenta ang mga ito ng submarines sa Pilipinas para sa nagpapatuloy na military modernization program ng bansa.
Layon nitong mapaganda ang defense at security capability ng Pilipinas.