daft punk 2
Daft Punk/ Twitter post

Naghiwalay na ang electronic music stars na Daft Punk.

Kinumpirma ito ng kanilang publicist subalit hindi na binaggit pa ang dahilan ng paghihiwalay nila.

Naglabas ng video ang French duo na pinamagatang “Epilogue” kung saan kuha ito sa kanilang 2006 na pelikulang “Electroma”.

Makikita sa video na kapwa sumabog ang dalawa at sa huli ay nakita ang petsa “1993-2021”.

Nakilala ang dalawa na sina Thomas Bangalter at Guy-Manuel de Homem-Christo sa pamamagitan ng pagsuot ng helmet habang nagtatanghal.

-- Advertisement --

Sumikat sila noong dekada ’90 sa mga club musics.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Da Funk” at “Around The World”