Nakatakdang dumating sa bansa ang mga consultant mula sa France para magsagawa ng feasibility study sa pagkakaroon ng cable car system.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) spokeswoman Goddes Libiran na anumang araw ngayong linggo ay posibleng dumating na ang nasabing mga consultants.

Magugunitang noong Nobyembre 2018 ay inaprubahan ng French Government ang feasibility study sa pagkakaroon ng cable car system sa Pilipinas.

Una nang sinabihan ng DOTr ang city government ng Baguio na maglagay sila ng cable car system mula La Union at Baguio.