-- Advertisements --
Gumagawa na ng hakbang ang French government para tuluyang mapalaya sa kamay ng mga military junta sa Niger ang kanilang ambassador doon.
Sinabi ni French president Emmanuel Macron, na tila hinostage ng mga miltary junta ng Niger si ambassador Sylvain Itte.
Hindi aniya ito pinapalabas at hindi nabibigyan ng sapat na pagkain.
Mula pa kasi noong Hulyo ng kontrolin ng military junta ang nasabing bansa sa West Africa ay pinasawalang bisa ang kaniyang Visa at hindi na ito pinapalabas sa bansa.
Binigyan kasi ito ng 48 oras na umalis noong Hulyo subalit hindi ito umalis kaya napilitan ang mga military junta na hindi ito palabasin sa bansa.
Magugunitang pinatalsik sa pamumuno ng bansa si President Mohamed Bazoum dahil umano sa alegasyon ng katiwalian.