-- Advertisements --
Wala ng buhay ng itinakbo sa pagamutan ang freelance model na si Gina Lima.
Ayon sa kapulisan ng Quezon City, itinawag sa kanilang pagamutan na mayroong itinakbong nasawi sa kanila.
Agad nilang pinuntahan ang lugar kung saan nakita nila ang ilang pasa ng biktima sa hita.
Dinala naman sa police station ang dating nobyo nito na siyang nagtakbo sa pagamutan sa biktima.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan na walang anumang nakitang sugat na nagpapakitang nakipaglaban pa ang biktima.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente kung saan isasailalim ito sa otopsiya para malaman ang sanhi ng kamatayan ng biktima.
















