-- Advertisements --

Inanunsiyo na ni French President Emannuel Macron na kanilang kinikilala ang Palestine State.

Isinagawa ni Macron ang anunsiyo sa pagdalo niya sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.

Sinabi nito na mahalaga ang nasabing pagkilala para matigil na ang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Iginiit na desidido ang kaniyang bansa para isulong ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Palestine.

Maguguntang nauna ng nag-anunsiyo ang mga bansang Britanya, Canada, Australia at Portugal na pormal ng kumikilala sa Palestine State.