-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng France sa hosting nila ng ngayong taon ng Olympics.
Sinabi ni French President Emmanuel Macron na kanilang inaayos lahat ng mga playing venues at maging ang Olympic village kung saan mananatili ang mga atleta.
Pagtitiyak naman nito na nakalatag mabuti ang security kung saan maaaring humingi sila ng dagdag na puwersa mula sa kanilang kaalyadong bansa.
Gagawin aniya nito ang lahat ng makakaya para maging matagumpay ang Olympics dahil ito ang magiging legacy niya sa pagtatapos ng kaniyang termino pagdating ng 2027.
Magaganap ang Paris 2024 Olympics mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11 habang ang Paralympics ay gaganapin mula Agosto 28 hanggang Setyembre 8.