-- Advertisements --

Mas pinalakas ng Ukraine at France ang kanilang relasyon para labanan ang pananakop ng Russia.

Sa ginawang pag-uusap sa telepono ni French President Emmanuel Macron kay Ukraine President Volodymyr Zelensky, na tinalakay nila ang maaring mga kailangan ng Ukraine ganun din ang pagsasaayos ng kanilang bansa na nasira dahil sa pananakop ng Russia.

Ito na ang pang 43 na beses na nagkausap ang dalawang lider mula.

Nakatakda rin magsagawa ng conference ang France na dadaluyan ng nasa 70 state at international NGO na pangunahing tatalakayin dito ay ang pagsuporta nila sa Ukraine.

Dadalo sa nasabig conference sa Paris ang prime minister ng Ukraine kasama ang first lady habang si Zelensky naman ay magbibigay ng kaniyang virtual address.