-- Advertisements --

Nagsisisihan ngayon ang France at United Kingdom sa nangyaring pagtaob ng bangka sa English Channel na ikinasawi ng nasa 30 katao.

Kabilang sa mga nasawi ay mga bata at buntis na pawang mga Iraqi Kurds na nais makapunta sa Britanya.

Kapwa nagpahayag ng kalungkutan sina French Prime Minister Emmanuel Macron at British Prime Minister Boris Johnson.

Nagkasundo rin ang dalawang lider na dodoblehin ang kanilang hakbang para tuluyan ng maiwasan ang pagtawid ng mga migrants.

Subalit kapwa nag-akusahan din ang dalawang panig sa hindi paggawa ng sapat na hakbang mula pa sa simula.