Nagpahayag man ng magkakaibang reaksyon ang publiko kasunod ng pag-alis ng mandatory mask mandate sa indoor settings, naniniwala ang founder ng Go Negoso na si Joey Concepcion na tama lang ang timing para mapagaan ang mga paghihigpit, kabilang ang mga alituntunin tungkol sa physical distancing.
Sa isang pahayag, sinabi ni Concepcion na maraming factors ang sumusuporta sa pag-alis sa nasabing mga paghihigpit, lalo pa’t inakala niyang ang pinakamalaking hamon ngayon ay ang muling pagbuhay sa ekonomiya.
Ipinaliwanag ni Concepcion na ang sektor ng turismo ng bansa ay dapat maging mapagkumpitensya sa mga kapitbahay nito sa Asya na nag-aagawan upang makaakit ng dolyar ng mga turista.
Inihayag ni Concepcion na ang distancing mandate na nag-udyok sa mga establisyimento na ipatupad ang mga capacity limitations ay humahadlang sa mga pagtatangka para sa mga negosyo na kumita, lalo na sa paparating na kapaskuhan kung saan inaasahang tataas ang aktibidad ng ekonomiya.