-- Advertisements --
Nagpasya ang Formula 1 na kanselahin ang kanilang karera sa China dahil sa COVID-19.
Mula kasi noong 2019 ay hindi na nakabalik ang Formula 1 at nakatakda sana itong ganapin sa Abril 16, 2023.
Itinuturing na dahilan nito ay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at ang paghihigpit na ipinapatupad ng China dahil sa kanilang COVID-19 policy.
Posibleng ianunsiyo naman ni F1 chairman and chief executive officer Stefano Domenicali kung saan nila gaganapin ang susunod na laban.