-- Advertisements --

Mahigit 30 katao ang nasugatan matapos magwala ang ilang nakamaskarang raliyista sa Ayala Bridge, Maynila nitong Linggo ng hapon.

Bukod dito nagtangka pang marating ng mga raliyista ang Mendiola malapit sa Malacañang nang magsimula ang kaguluhan.

Nagsimula ang tensyon nang sindihan ng ilang kabataang lalaki ang mga gulong sa harap ng shipping container na nagsilbing harang ng pulisya.

Naghagis din ang mga ito ng bote, bato, at pintura, dahilan para gumamit ng riot shield ang mga pulis.

Dakong alas-4 ng hapon, nabuwag ang harang at nakatawid ang mga raliyista sa Legarda Street patungong Mendiola Bridge. Nasira rin ang salamin ng isang payloader malapit sa isang unibersidad, at isang motorsiklo ang sinunog ng mga raliyista.

Nakapagtala rin ng isang malakas na pagsabog na hindi pa matukoy ang pinagmulan. Ilang pulis din ang nabalutan ng mabahahong subtance chemical na hindi pa rin tukoy hanggang sa ngayon.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo team sa lugar nabatid na ang mga nanggulo ay ilang mga menor de edad at nagsisigaw pa na nais nilang sunugin ang Malacañang.

Kaugnay nito dalawang lalaki naman ang naaresto, habang higit sa sampung nakaitim na raliyista ang pinadapa at binantayan ng mga pulis. Agad ding naapula ng mga bombero ang apoy.