Nagsimula nang sumailalim sa pagsasanay sa paggamit ng baril ang mga forest ranger ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ito’y matapos na mapatay habang nasa trabaho ang tatlong forest rangers sa Palawan.
Sa budget briefing ng DENR sa House appropriations committee, sinabi ni Environment Sec. Roy Cimatu na kasunod ng naturang insidente ay standard operating procedure na nila na tuwing may patrol ang mga forest rangers ay dapat may kasama nang pulis o sundalo.
“Pero katulad ng mga emergency na ganun, mahina ang aming enforcers, kaya nagpa-train na ako ng enforcers namin how to handle a shotgun,” dagdag pa nito.
Gayunman, aminado ang kalihim na limitado sa ngayon ang kanilang puwedeng gawin sa usapin na ito dahil wala pang batas na pumapayag sa kanilang forest rangers na magdala ng baril tuwing nasa trabaho.