-- Advertisements --

Posibleng masimulan na sa mga susunod na araw ang pagtanggap ng Pilipinas ng foreign tourists mula sa ilang mga bansang may mababang COVID cases.

Ito ang sinabi ni Department of Tourism (DoT) Sec. Berna Romulo-Puyat, kasunod ng kanilang pagpupursige na maibalik na ang dating sigla ng turismo sa ating bansa.

Nabatid na isa ang tourism industry sa mga pangunahing naapektuhan, simula nang tumama ang COVID-19 pandemic.

“I’m happy to announce that the Philippines is going to welcome foreign tourists soon. It was a long and hard road to recovery, but the industry is finally seeing its efforts pay off. This difficult and daunting task was made easier with the men and women at the DOT by our side, the staunch support of our tourism stakeholders and workers, whom I consider the pillar that kept us standing amid this difficult time, and, of course, the traveling public,” wika ni Puyat.

Partikular na papayagang makabisita sa bansa ang mga turista mula sa Japan, Saudi Arabia, China at iba pang bansa na nasa hanay ng green list.

Sinasabing mahigit P400 billion na ang naitalang pagkalugi sa industriya ng turismo dahil sa mga pina-iral na lockdown.

Nakikipag-ugnayan naman si Puyat sa IATF para sa malinaw na patakaran sa mga darating na turista.

Una nang nagpa-iral ng libreng COVID test ang DOT para sa local tourists, para mapalakas ang naturang industriya.