-- Advertisements --
Nagpatupad na ng force evacuations ang Los Angeles bilang paghahanda sa pagdaan ng tropical storm Hilary.
Ang nasabing bagyo ay unang nag-landfall na sa Baja California sa Mexico na mayroong taglay na lakas na 65 miles per hour.
Sinabi ni Los Angeles Mayor Karen Bass na may lugar silang inilaan para doon dalhin ang mga homeless.
Nagbabala naman ang National Weather Service sa San Diego na mayroong dalang malawakang pagbaha dahil sa nasabing bagyo.
Maraming mga flights na rin ang nakansela sa bahagi ng San Diego dahil sa epekto ng nasabing bagyo.