Kylie Jenner 2
Kylie Jenner / IG post

Tinanggal na ng Forbes magazine sa listahan ng youngest self-made billionaire si reality TV star Kylie Jenner.

Ito ay matapos ang ginawang pag-aaral ng Forbes sa kabuuang yaman ng 22-anyos na si Jenner.

Lumabas lamang sa nasabing pag-aaral na nasa $900 million ang net worth ng reality star.

Magugunitang noong March 2019 ay idineklara ng Forbes magazine na youngest self-made billionaire na ang nasabing yaman ay mula sa sarili nitong cosmetic company.

Sumikat si Jenner ang half sister nina Kim, Khloe at Kourtney Kardashian ng ipakilala ang sariling lipstick noong 2016 at napasama sa reality show ng mgkakapatid.