-- Advertisements --
DA Sec. William Dar

Nakaambang salubungin ng food crisis ang susunod na administrasyon, kung hindi matutugunan ang angkop na supply para sa ating bansa.

Kaya ngayon pa lang ay hinimok na ng Department of Agriculture (DA) ang susunod na liderato na maglaan ng P24 billion upang matugunan ang nagbabadyang suliranin.

Giit ni DA Secretary William Dar, seryoso ang problemang ito kaya ngayon pa lang ay nagbababala na sila.

Ilan sa nakikitang dahilan ng posibleng problema ang nagpapatuloy na giyera sa Ukraine na nakaaantala sa global food supply chain at nakaaapekto naman sa agricultural productivity ng Pilipinas at ibang bansa.

Gagamitin umano ng ahensya ang pondo para pataasin ang produksyon ng pagkain, pambili ng fertilizer at ayuda para sa mga magsasaka at mangingisdang unang tatamaan ng krisis.

Layunin din nitong maisakatuparan ang abot-kayang pagkain na pangako ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kagaya ng P20 kada kilo na bigas.