Ikinatuwa ni Eduar Folayang ang pagbaba sa lightweight division ng ONE Championship ni dating UFC star Sage Northcutt.

Sinabi ng Team Lakay member, na maraming mga malalaking pangalan ang naghihintay sa pagdating ni Northcutt sa kanilang weight class.

Isang malaking hamon para sa kanilang division ang pagdating ng 23-anyos na si Northcutt.

Naging karate champion si Northcutt mula sa USA na unang sumabak sa ONE Championship noong Mayo 2019 kung saan tinalo siya ni Cosmo Alexandre.