-- Advertisements --

FLORIDA, USA – Nagbabala ang mga eksperto sa Children’s Hospital of Philadelphia at the University of Pennsylvania sa posibilidad na maging susunod na COVID-19 epicenter ang estado ng Florida.

Ayon kay Dr. David Rubin, kung itutuloy ang pagluluwag ng health protocols at pagbabalik ng ilang aktibidad, hindi malayong lumobo ang mga kaso ng coronavirus sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 89,748 cases sa Florida, habang 3,107 naman ang nasawi.

Ibinase ng mga eksperto ang kanilang pagtaya sa trend sa naturang estado, lalo’t nakapagtala na ng record-breaking na pagtaas ng kaso nitong mga nagdaang araw.

Noong Huwebes, 3,208 new cases ang nadagdag sa Florida, bagay na hindi nangyayari sa ibang lugar sa Estados Unidos. (CBS)