-- Advertisements --

Posibleng manatiling makulimlim at may mga pag-ulan sa malaking parte ng Luzon hanggang sa pagpasok ng susunod na linggo.

Ayon sa Pagasa, lantad sa ulan at pagbaha ang Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR) at Central Luzon.

Maging ang Metro Manila ay posible ring ulanin, hanggang sa mga karatig na lugar, pati na ang Bicol region.

Apektado naman ng habagat ang Metro Manila, Northern Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Zambales at Bataan.

Sa kasalukuyan, wala pa ring active weather disturbance na umiiral sa paligid ng Pilipinas.