-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng malalakas na pag-ulan at posibleng pagbaha sa Eastern Visayas at mga karatig na lugar dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).
Huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 60 km sa hilaga hilagang silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 95 km sa silangan ng Maasin City, Southern Leyte.
Lantad rin sa mga pagbuhos ng ulan ang iba pang parte ng Visayas, Caraga region, Bicol region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Southern Quezon.
Pinag-iingat din ang mga residente sa mga lugar na lantad sa landslide, dahil maaaring lumambot ang lupa kung magiging tuloy-tuloy ang buhos ng ulan.










