Balik-bansa na ang kauna-unahang Pinay na nagwagi sa Miss Summit International na si Nica Zosa.
Ito nga ang unang international crown ng Pilipinas para sa taong 2022.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 23-year-old beauty queen, inamin nito na nagulat siya ngunit thankful dahil marami umano itong pinagdaanan na mga COVID-19 restrictions bago makamit ang pinakainaasam nitong korona.
Dagdag rin nito na di niya inasahan na ngayong taon magaganap ang nasabing pageant at isang linggo lamang ang ginawa nitong preparasyon.
“I was really shocked, but thankful also that Philippines won. I have been through a lot because there’s a lot of restrictions. To be honest, I have been preparing for the pageant for 3 years now. I didn’t know that it was really going to happen this year. I was given a one week preparation. I think I gave justice to my designers and to my family. I’m just elated that Philippines was crowned as the first Miss Summit International 2022.”
Tinalo nga ni Zosa ang 20 na mga kandidata sa coronation night na naganap sa Las Vegas, Nevada, USA.