-- Advertisements --
Inanunsiyo ng prime minister ng Finland na kanilang isasara ang ilang border crossings nila ng Russia.
Sinabi ni Prime Minister Petteri Orpo na ang crossing points sa timog bahagi ay kanilang isasara subalit mananatiling bukas ang northern part na crossing para sa mga asylum applications.
Tumaas kasi ang iligal na tumatawid na mga migrants na galing sa Russia na karamihan ay mga third-country citizens.
Inakusahan nito ang Russian government na tinutulungan ang mga iligal migrants na tumawid sa Finland kahit na walang mga dokumento ang mga ito.