-- Advertisements --

Hindi pa rin naiwasan ang ilang paglabag sa quarantine protocols, ngayong unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, may mga lugar na hindi nasunod ang physical distancing sa pag-aabang ng masasakyan.

Habang may ibang lumabas kahit walang face mask.

“We should remember, we’re still in the GCQ category, meaning may community quarantine pa rin,” wika ni GM Garcia.

Sa bahagi ng Bicutan, Taguig, halos magsiksikan ang mga tao, sa pag-asang may darating na sasakyan para makapasok sila sa kani-kanilang trabaho.

-- Advertisement --

Kaya naman, nag-deploy ang mga ahensya ng gobyerno ng kanilang mga bus, para maisakay ang mga pasaherong natengga sa ilang parte ng Metro Manila.

Bunsod ng mga lumitaw na problema, nangako ang MMDA na iko-coordinate nila sa iba pang ahensya ang mga natuklasang problema, upang maresolba ito sa lalong madaling panahon.