-- Advertisements --

Umangat pa ang FIFA ranking ng women’s national football team ng bansa na Filipinas.

Mula sa dating 53 ay naging pang 49 na ang ranking nila.

Sinabi ni Filpinas coach Alen Stajcic na malaking tulong ang ranking lalo na at nakatakda sila ng sumabak sa FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa mga susunod na buwan.

Ito na ang itinuturing na pinakamataas na ranking ng Filipinas.

Isa sa naging susi ng pagkakaroon ng mataas ng ranking ng Filipinas ay dahil na rin sa mga manlalaro gaya nina Hali Long, Inna Palacios, Quinley Quezada, Tahnai Annis at Olivia Davies-McDaniel.

Huling nakalaro ng Filipinas ang mga malalakas na koponan sa mundo gaya ng ranked 16th na Iceland, ranked 25 na Scotland at ranked 32 na Wales sa Pintar Cup na ginanap sa Spain.