-- Advertisements --

Nag-kampeon ang Filipinas, matapos maka-goal ng tatlong ulit sa AFF Women’s Championship laban sa Thailand.

Ang unang goal ay naipasok ni Jessika Cowart sa pamamagitan ng header sa seventh minute.

Ang ikalawa naman ay naipasok ni Katrina Guillou sa 20th minute ng laro.

Habang ang ikatlo ay naipasok sa 89th minute.

Ginanap ang laban sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila.

Sa record ng organizer, pumalo sa mahigit 8,000 ang mga nanood ng final match nitong Linggo ng gabi.