-- Advertisements --

Gagawin lahat ng Philippine womens football team ng bansa na Filipinas ang kanilang makakaya para maipanalo ang laban nila ngayong araw kontra sa Iran.

Ito na kasi ang huling laban ng Filipinas sa ikalawang round ng AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Perth Rectangular Stadium sa HBF Park sa Australia ngayong Nobyembre 1 dakong alas-4 ng hapon oras sa Pilipinas.

Target ng ranked 44 na Filipinas na makabawi sa kanilang pagkatalo sa Austarlia 8-0 nitong araw ng Linggo.

Para makapasok sila sa susunod na round ay kailangan makuha nila ang pinakamagaling na pangalawang puwesto sa Group A.