-- Advertisements --

Napili bilang judge ng Miss Universe Chile pageant ang California-based skin specialist Olivia Quido-Co.

Isa siya sa mamimili sa mananalo sa evening gown competition at no make-up skin preliminary competition sa darating na Nobyembre 20.

Nagsimula itong magtayo ng skin clinic sa southern California noong 2003.

Ilan sa mga local artist na kaniyang naging kliyente ay sina Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Claudine Barretto, Venus Raj, Shamcey Supsup, Pia Wurtzbach at ibang mga celebrities.

Noong 2019 nang mapili itong offiical skin care ng Miss Universe na ginanap sa Atlanta, Georgia.

Hindi nito inakala na mapipili siyang maging hurado sa nasabing beauty pageant dahil ang layon lamang nito ay makilala ang kaniyang produkto sa buong mundo.