Nais ng Filipino-American singer Olivia Rodrigo na bumisita balang araw sa Pilipinas.

Sinabi nito na nasasabik niyang makita ang Pilipinas dahil sa mga magagandang kuwento ng kaniyang ama tungkol sa Pilipinas.

Ikinakatuwa rin nito ang ilang paghahambing sa kaniya ng ilang fans na kamukha niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nakilala si Olivia sa mga kantang “Drivers License” at “Deja Vu” .