-- Advertisements --

Magpapamigay ng 20,000 tickets ng FIFA Women’s World Cup sa mga laro sa New Zealand.

Ito ay dahil sa mababang bentahan ng ticket sa nasabing bansa dahil sa hindi gaanong tinatangkilik ang larong football.

Sikat kasi sa nasabing bansa ang sports na rugby na kanilang national sport.

Ayon sa FIFA na kung mahina ang bentahan ng tickets sa New Zealand ay taliwas naman ito sa co-host nitong Australia na mayroon ng mahigit 1.25 milyon na tickets ang naibenta.

Sa nasbing bilang ay mayroon lamang 320,000 na tickets ang kanilang naibenta sa mga laro na gaganapin sa New Zealand.

Naniniwala naman ang organizers na sa mga susunod na araw ay tataas din ang kanilang tickets sales sa New Zealand.

Magugunitang magsisimula sa Hulyo 20 ang ang FIFA Women’s World Cup kung saan ang host dito ay ang New Zealand at Australia.