Ibinasura na ng FIFA ang plano nilang gawing 48 koponan para na lalahok sa 2022 World Cup.

Ang nasabing plano ay unang iminungkahi ni FIFA president Gianni Ifantino kung saan mula sa dating 32 teams ay gagawin na nito sa 48 sa World Cup na gaganapin sa Qatar.

Kapag natuloy ito ay magkakaroon ng hindi lamang isa kung hindi dapat may kasama ang Qatar sa hosting ng torneo.

Kinontra din nito ni UEFA president Aleksander Ceferin na ang pagdagdag ng koponan ay magdudulot ito ng problema.