Mabilis na nalapatan ng lunas at nasalinan ng dugo ang isang dayuhang basketball player na nagkaroon ng injury sa paglalaro sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Sinasabing naging maselan ang kalagayan nito at kinailangang operahan at salinan ng dugo.
Isa pang lumitaw na suliranin sa kalagayan ng player ay ang kaniyang blood type na hindi madaling mahanap.
Kaya naman, sinaklolohan ito ng Philippine Red Cross (PRC) para matiyak ang kaligtasan ng manlalaro.
Ayon kay PH red Cross Chairman Richard Gordon, mula nang mag-umpisa ang FIBA ay naghanda na rin sila para sa anumang emergency medical services, tulad ng pre-hospital treatment, paggamit ng ambulansya at standby blood supply kung sakaling kakailanganin.
Para naman kay Dr. Gwen Pang, Secretary General ng Philippine Red Cross, lagi nilang tinitiyak ang sapat at angkop na dugo alinsunod sa pangangailangan.
Kaya naman, hangad ni Philippine Red Cross Blood Services Director, Dr. Christie Monina Nalupta na mapataas pa ang supply ng dugo sa ating bansa.
Mangyayari lamang aniya ito kung maraming magdo-donate ng dugo.
Inihalimbawa naman si Chairman Gordon ang Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines na malaking tulong sa pagsasakatuparan ng hangarin na manatiling may reserbang dugo sa anumang panahon at anumang lugar sa ating bansa.