-- Advertisements --

Inilabas ng FIBA ang Top 10 na mga basketball players na dapat bantayan ng mga Filipino fans sa gaganaping FIBA Basketball World Cup.

Nasa pang-10 ay si Tyrese Haliburton ng USA, ang 6-foot-3 ay tinaguriang best true point guards ng Indiana Pacers.

Pang-siyam naman ay si Patty Mills ng Australia kung saan ang 35-anyos na 6-foot-2 gunner ay tinuturing na biggest weapon beyond arc at nag-average ito ng 23.3 points sa Tokyo Olympics.

Pang-walong manlalaro na dapat panoorin sa FIBA ay si Bogdan Bogdanovic ng Serbia.

Ang Atlanta Hawks player ay siyang magdadala ng Serbia matapos na umatras sa paglalaro sa FIBA si NBA Most Valuable Player NIkola Jokic.

Si Bogdanovic ay naging top scorer ng FIBA noong 2019 na mayroong average na 22.9 points per game.

Pang-pitong manlalaro ay si Dennis Schroder ng Germany.

Itinuturing ang Toronto Raptors player na si Schroder bilang highly-competitive defensive specialist sa offensive.

Naging susi siya sa pagkakuha ng bronze medal ng Germany sa 2022 EuroBasket tournament.

Pang-anim na puwesto ay si Karl Anthony-Towns ng naglalaro sa Dominican Republic.

Ang 6-foot-11 center ay consistent na nakakagawa ng 20-10 double-double sa Minnesota Timberwolves kung saan ito ang tiyak na babantayan ng Gilas Pilipinas.

Pang-lima ay ang 6-foot-2 na si Jalen Brunson na naglalaro sa Team USA.

Ang New York Knicks player ay siyang star point guard na mapanganib sa midrange.

Pang-apat naman ay si Lauri Markkanen ng Finland.

Ang 26-anyos na si Marrkanen ay ka-teammate ni Jordan Clarkson sa Utah Jazz.

Ginagamit nito ang kaniyang 7-foot height para sa pag-atake ng basket kung saan mayroon itong average points na 27.9 points at 8.1 rebounds per games sa Finland.

Pangatlong puwesto ay si Anthony Edwards ng Team USA.

Ang Minnesota Timberwolves shooting guard ay itinuturing na armas ng USA kung saan nagtala ito ng 34 points sa tuneup games nila laban sa Germany.

Kilala din ang 6-foot-4 player mula Atlanta sa pagkakaroon nito ng matinding depensa.

Pangalawang manlalaro ay si Shai Gilgeous-Alexander ng Canada.

Mayroong average ito na 26.3 points, 4.7 assists at 2 steals per game.

Ang Oklahoma City Thunder player ay itinuturing na pambato ng Canada laban sa France, Latvia at Lebanon.

Nangunang manlalaro na dapat bantayan ay si Luka Doncic ng Slovenia kung saan ang 24-anyos ay tinaguriang pangalawang highest scorer sa Euro Basket at Olympic HIstory.

Noong Tokyo Olympics kasi ay mayroon itong 23.8 points, 9.7 rebounds at 9.5 assits per game.