Binabalak umano ni Roger Federer na magpasya ukol sa plano nitong paglahok sa 2020 Tokyo Olympics sa susunod na mga buwan.

Ayon kay Federer, sa kanyang schedule sa susunod na taon ay nakaplano na ang pagsali nito sa Wimbledon, na matatapos sa Hulyo 12.

Magsisimula kasi ang Olympics sa Hulyo 25 at magtatapos ilang araw bago ang kanyang 39th birthday.

“I guess I’m going to be deciding on the Olympic Games in the next few weeks, hopefully in the next month or so,” wika ni Federer.

Sobrang excited na rin aniya ito sa pagkakataong makapaglaro sa Tokyo.

“I just have to see how is the family, how is my body doing,” ani Federer, na isang four-time Olympian.