-- Advertisements --
Nanawagan ang Food and Drugs Administration (FDA) sa mga local government units na magpasa ng mga sariling ordinansa na nagbabawal sa mga sari-sari stores na magbenta ng mga gamot lalo na ang mga peke.
Sinabi ni FDA officer in charge director general Oscar Guterrez Jr na nagiging talamak ang pagbebenta ng mga pekeng gamot lalo na sa mga sari-sari stores.
Tiniyak naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano na maglalabas ito ng memorandum na mag-aatas sa mga LGU na magpasa ng ordinansa.
Nabahala rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkalat ng mga pekeng gamot kaya iniutos nito sa mga kapulisan na agad nilang kasuhan ang mga napatunayang nagbebenta ng mga pekeng gamot.