-- Advertisements --

Bumuo ang Food and Drug Administration (FDA) ng task force para mapabilis at mabawasan ang mga approval at evaluations ng mga COVID-19 drugs sa bansa.

Ayon kay FDA Director General Dr. Samuel Zacarte na ilulunsad ang task force para mapabilis ang pagkakaroon ng ligtas at epektibong gamot laban sa COVID-19.

Sa nasabing pagbabawas ng mga approval at evaluation ay matitiyak na hindi nakokompromiso ang mga kalidad at kaligtasan ng mga nasabing mga gamot.

Noon kasi aniya ay naglalabas lamang sila ng emergency use authorizations (EUA) sa mga COVID-19 drugs at bakuna pero ito ay may kondisyon.

Dahil sa nasabing task force ay mabilis na ang pagbibigay nila ng mga Certificate of Product Registration (CPR) sa mga establishimentong kanilang nasasakupan.