-- Advertisements --

Nag-ibayo pa ang lakas ng bagyong Falcon kaya itinaas na ito sa severe tropical storm category.

Sa tropical cyclone bulletin number five (5), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,190 km sa silangan ng Northern Luzon.

Malabo pa rin itong tumama sa lupa ngunit paiigtingin naman ang mga pag-ulan dahil sa paghatak sa habagat.

Taglay na ni Falcon ang lakas ng hangin na 95 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 115 km/h.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

Wala namang itinaas na tropical cyclone wind signals sa alinmang parte ng ating bansa.