-- Advertisements --
track falcon

Lalo pang nag-ibayo ang lakas ng bagyong Falcon habang nasa silangan ng Pilipinas kaya iniakyat na ito sa typhoon category.

Huli itong namataan sa layong 1,070 km sa silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 185 km/h.

Kumikilos si Falcon nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Wala pa rin itong tyansang mag-landfall sa alinmang parte ng Pilipinas.