-- Advertisements --
Itinuturing ng Department of National Defense (DND) na ang isa sa mga kalaban ng mga kasundaluhan ngayon ay ang pagalganap ng fake news.
Sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na may mga fake news ang lumabas na nais hatiin ang kasundaluhan dahil sa isyu ng kaltas sa pensiyon mga retiradong sundalo.
Kasama rin dito ang mga pekeng balita na iligal na pagkaltas sa mga sahod na natatanggap ng mga sundalo.
Isinagawa ng kalihim ang pahayag sa pagbisita niya sa 4th Marine Brigade ng Philippine Marines sa Camp Cape Bojeador sa bayan ng Burgos Ilocos Norte.