-- Advertisements --
Pinili ni June Mar Fajardo ang makapag-ensayo sa Gilas Pilipinas kaysa sumama sa victory party ng kaniyang koponang San Miguel Beermen.
Itinakda kasi nitong Martes ng gabi ang victory party ng Beermen matapos na makuha nila ang PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa kanilang headquarters sa Mandaluyong City.
Nilinaw naman ni Beermen coach Leo Austria na nagpakita naman si Fajardo bago magsimula ang victory party na ginanap sa kanilang headquarters sa Mandaluyong City.
Matapos ang pagdalo ay dumiretso na ito agad sa Meralco Gym.
Tiniyak din ni Austria na kanilang sinusuportahan ang paglalaro ni Fajardo sa Gilas Pilipinas na haharap sa FIBA World Cup na gaganapin sa China.