-- Advertisements --

Arevalo

Itinigil muna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatakda sanang fact finding investigation para sa mga tauhan ng Presidential Security Group na nagpaturok ng hindi aprubadong COVID 19 vaccine.


Ito ang pahayag ni AFP spokesperson MGen Edgard Arevalo ngayong umaga.
Ayon kay Arevalo, hindi tuloy ang scheduled fact finding investigation dahil na rin sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.


Umapela kasi Duterte sa Kongreso na huwag pilitin ang mga tauhan ng PSG na tumestigo at depensahan ang kanilang pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil ginawa ito ng mga PSG personnel bilang “self-preservation.”


Una ng sinabi ni Arevalo, ang fact-finding team ng AFP ay binubuo ng 10 katao na pinangungunahan ng AFP Inspector General.


Giit ni Arevalo, bagama’t hindi nito pinagtatakpan ang ginagawa ng kanyang mga close-in security team, nagbabala ang Pangulo na magkakaroon ng ‘krisis’ kapag pinuwersa ang PSG na isiwalat ang detalye ng kanilang pagpapabakuna.


Matatandaan na kahapon lang, sinabi ng AFP na hindi nila kukunsitihin kung mapapatunayang may paglabag sa batas ang mga sundalong una nang nagpaturok ng hindi aprobadong COVID-19 vaccine.


Isang matured at professional organization ang AFP at kung may nagkakamali sa kanilang hanay hindi nila isasawalang bahala.


” The AFP Chief General Gilbert Gapay has called-off the scheduled fact-finding investigation today on the vaccination of some PSG personnel.This comes in the light of the recent pronouncement of the Commander-in-Chief and President Rodrigo Duterte,” pahayag ni AFP Spokesperson MGen. Arevalo.