Kinumpirma ng pamunuan ng Phil Air Force (PAF) na ginamit sa pamomomba sa kuta ng teroristang Maute-Isis sa Maguing, Lanao del Sur ay ang kanilang FA-50 fighter jet.
Ayon kay Air Force Spokesperson Lt Col. Maynard Mariano na bukod sa FA -50 fighter jet nagsagawa din ng air strike ang kanilang A-29B Super Tucano close-support attack aircraft.
Batay sa report ng AFP Western Mindanao Command nasa 12 bomba ang nilaglag ng dalawang bomber aircraft ng PAF.
Aniya, may mga operasyon na sila na ginamit ang Super Tucano, hindi lamang nila ito isinapubliko for security reasons.
Sinabi ni Mariano, suportado ng PAF ang inilunsad na focused military operation ng Phil Army sa Lanao del Sur kaya nag-deploy pa sila ng ibang mga aircraft bukod sa FA-50 at Super Tucano na nagpakalawa ng bomba.
Ang FA-50 fighte jet ay isang supersonic light combat aircraft na manufactured ng Korea Aerospace Industries (KAI) para sa Republic of Korea Air Force (ROKAF).
Ito ay isang light combat version T-50 Golden Eagle supersonic advanced jet trainer at light attack aircraft, mayroong maximum speed na Mach 1.5. ang engine ay nag po-produce ng maximum of 78.7 kN (17,700 lbf) of thrust with afterburner.
Ang FA-50 ay may kakayahang magdala ng hanggang 4.5t of weapons kabilang ang air-to-air/air-to-surface missiles, machine guns, precision guided bombers gaya ng Joint Direct Attack Munitions (JDAM) at CBUs.
Ang nasabing fighter jet ay equipped din ng night vision imaging system.
Sa kabilang dako, ang A-29B Super Tucano ay isang turboprop aircraft designed para sa light attack, counter-insurgency, close air support, aerial reconnaissance missions in low threat environments, nagbibigay din ng pilot training.
Samantala, kinumpirma ni Wesmincom commander Maj. Andrew Linao na nakubkob na ng mga tropa ang kuta ng teroristang grupo.
Nagpapatuloy pa rin ang military operation laban sa Dawla islamiya Maute group sa pangunguna ni Faharudin Hadji Satar alias Abu Zakaria.
Ilang beses na rin nakasagupa ng militar ang grupo ni Zacakria na may standing warrant of arrest for kidnapping, serious illegal detention, murder, frustrated murder at aktibong nag-ooperate sa tri-boundaries ng Piagapo, Madalum, at Balindong.
Sa ngayon dalawang terorista ang nasawi body count at isang sundalo, habang tatlo na ang sugatan sa panig ng militar.