-- Advertisements --

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, eastern Lal-lo, eastern Gattaran at eastern Baggao) dahil sa tropical depression Carina.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 275 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.

Taglay ni “Carina” ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Inaasahang mamayang hapon ay mararamdaman na sa Cagayan ang malakas na ulan at bahagyang pagbugso ng hangin.