-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng paminsan-minsan pa ring buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ito’y kahit malayo na sa Pilipinas ang dating bagyong “Basyang” na may international name na “Malakas.”

Paliwanag ng weather bureau, extension ng naturang sama ng panahon ang tumatama pa rin sa Mindanao, kaya may mga namamataan pang kaulapan.

Habang ang ibang bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng isolated thunderstorm, ngunit hindi na konektado sa trough ng typhoon Malakas.