-- Advertisements --

Ramdam na ang mga pag-ulan sa Mindanao dahil sa extension ng paparating na bagyong may international name na “Phanfone” at tatawaging “Ursula” kapag nakapasok na sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,265 km sa silangan ng Mindanao.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Dahil dito, pinaghahanda ng weather bureau ang mga residente sa Visayas at Mindanao dahil maaari itong manalasa sa Disyembre 24 at 25, 2019.