-- Advertisements --
Balak ngayon ng Department of Toursim (DOT) na bumuo ng isang visa system para sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa isang forum sa Thailand, inihayag ni Tourism Secretary Christina Frasco ang proposal na magkaroon ng ASEAN visa tulad ng Gulf Coordination Council (GCC) Council sa Middle East na siyang may kaugnayan sa tagline ng ASEAN tourism na ‘a destination for every dream’.
Ayon kay Frasco, bahagi ng pangarap na ito ang ASEAN visa na siyang magiging daan rin para ipagbuklod ang ASEAN Countries bilang mga destinasyon ng turismo.
Samantala, umaasa naman si Frasco bilang isa sa mga kalahim ng turismo na ito ay muling mapaguusapan sa 2026 lalo na kung ang Pilipin as ang muling maghohost ng pagpupulong.