-- Advertisements --

Hindi nakasipot si Senator-elect Kiko Pangilinan sa proklamasyon ng mga nanalong Senador ngayong araw ng Sabado, Mayo 17 dahil sa naka-schedule na pagdalo sa graduation ng kaniyang anak sa Amerika.

Sa isang statement, sinabi ng Senator-elect na kaniyang tinatanggap ang mandatong ibinigay sa kaniya ng mga mamamayang Pilipino nang may malalim na pagpapakumbaba at lubos na pasasalamat.

Muling inihayag ni Pangilinan na nasorpresa siya sa resulta ng 2025 midterm elections dahil madalas na nangungulelat siya sa mga lumabas na survey bago ang halalan.

Base sa national certificate of canvass, panglimang pwesto si Pangilinan na nakakuha ng kabuuang 15,343,229 votes.