Ibinunyag ng dating WWE wrestling star Gabbi Tuft na isa siyang transgender.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi nito na wala itong pagsisisi sa pagsisiyasat ng katotohanan.

-- Advertisement --

Naging aktibo sa WWE mula 2009 hanggang 2012 bilang si “Tyler Reks”.

Dagdag pa nito na noong nakaraang walong buwan ay naging mabigat ang kaniyang pinagdaanan at binalak pa aniya nitong tapusin ang buhay.

Bago magretiro sa wrestling noong 2014 ay nakasama pa ito sa ilang TV events gaya ng “Raw”, “SmackDown” at “Wrestlemania”.

Nakilala siya sa kaniyang signature move na “Burning Hammer”.