Dinala sa pagamutan si dating world number golfer Greg Norman matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

Nakadama kasi ang 65-anyos ng trangkaso, ubo at pananakit sa katawan at ng suriin ito ay nagpositibo sa coronavirus.

Umuwi ito ng kanilang bahay nitong Biyernes subalit hindi pa rin gumaling ang sintomas kaya minabuti na magpa-confine sa pagamutan.

Bagamat ito ay malakas at kaya niyang tiisin ang anumang sakit ay hindi pa rin ito iniinda ng nasabing virus.

Naging Open Champion si Norman noong 1986 at 1993 bago hirangin sa World Golf Hall of Fame noong 2001.