R Kelly
R. Kelly/ IG post

Nagbigay ng deadline ang dating asawa ni R. Kelly para sa pagbabayad ng kaniyang child support.

Sa inihaing reklamo sa korte ni Drea Kelly, nararapat na magbayad agad ang singer ng $32,000 bilang bayad sa mga nagdaang child support nito.

Hiniling nito sa korte ang agarang pagbayad ni singer para hindi nito mauwi pa sa mabigat na kaso.

Noong taong 2009 ay inatasan ito ng korte ang singer na magbayad ng $20,833 kada buwan bilang sustento sa anak nila.

Tiniyak naman ng manager ng singer na si Darrell Johnson na agad nilang babayaran ang nasabing pagkakautang nito.